Non-Anime Lyrics
Puso Kong Nabihag Mo Na
(Theme of Amazing Twins)
Adapted by: ~animoni~
http://come.to/animesl
================================================
Di akalain sa’yo pala ay may pagtingin
Di ba noon halos di ka kausapin
Di binibigyang pansin.
*Sa ihip ng hangin ang nagbulong ng pag-ibig
Di man narinig
Ang puso ko’y sadyang naglalambing
Di mo lang napapansin.
Refrain:
Ikaw lang ang tanging mahal
Asahan sa’yo ay tapat
Kahit ano pa mang sabihin nila
Hinding hindi na magbabago
Pag-ibig ko’y sa’yong sa’yo
Chorus:
Pilitin mang limutin ka
Pag-ibig di nag-iisa
Ikaw ang tanging mahal
Na nagbigay kulay sa aking buhay
Sayang walang nang papantay
Puso ko man ay nalulunod na
Sa lalim ng aking pag-iisa
Ikaw o aking sinta ang syang sasagip
Sa puso kong nabihag mo na
Repeat *
Repeat Refrain
Repeat Chorus 2x
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
KANLUNGAN (Buklod)
Send by: red
Adapted by http://come.to/animesl
~animoni~
( Song from the Commercial: Mc Donald )
===================================================
Refrain:
Pana-panahong ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon…
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dalwa’y unang magkita
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayo nagsimulang
Mangarap at tumula
Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
Ang mga puno’t halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan
(Ref.)
Ngayon ikaw ay nagbalik
Tulad ko rin ang ‘yong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno’t halaman
Bakit kailangan g lumisan
(Ref.)